Nasasayang ang isang araw na holiday ko dahil sa dami ng dapat gawin, hindi ko magawang isipin kung ano nga ba ang dapat unahin. Lagpas kalahati na ng araw pero halos wala pa akong nasisimulan. Natutuwa ako sa tuwing natatambakan ako ng mga kailangang gawin. Pakiramdam kong punong-puno pa ang buhay. Kaso minsan, nakakalunod rin. Lalo na pag nadidikit na sa deadline. So saan ko sisimulan?
Binalak kong magpuyat kagabi. Nag-alarm din ako ng ilang beses pero lagi’t laging bumabagsak sa kama ang katawan ko. Lagi’t laging nauuwi ang mga readings sa panaginip. Lagi’t laging na-reresechedule ang mga plano. Nagsisimula na kong mafrustrate at mapressure. Sana tumalab na ‘to.
Aksidente lang ang pagkakapanood ko sa inaugural ni Noynoy. Wala talaga sa plano ko yun. Hindi dahil sa anopaman kundi dahil hindi lang talaga ako interesado. Pero nang mapanood ko, natuwa na rin ako. At least may bago na kong reason sa pagmu-move ulit ng mga dapat kong gawin.
Hindi si Noynoy ang binoto ko.
Sa mga kandidato noon, alam kong siya ang may pinaka-‘walang ambisyon’ sa posisyon. Nagkataon lang. Iyon na siguro ang pinakagusto ko sa kanya. Hindi siya nagpamalas ng kagutuman sa kapangyarihan. Hindi katulad ng ibang nagkaposisyon na sa kapal ng mukha papatusin kahit ang mas mababang posisyon basta di lang mawalan ng kapangyarihan. Anong silbi ng kapangyarihan kung wala ka na namang dignidad?
Pero kahit ok sana si Noynoy, naniniwala akong wala pa rin siyang sapat na kakayahan. Isa pa, masyadong marami ang nakakaimpluwensya sa kanya. Kung ano ang kalakasan niya, iyon din ang kahinaan. Wala siyang ambisyon sa posisyon kaya hindi niya ito napaghandaan. Wala siyang masyadong alam kaya hindi pa siya expert sa korapsyon.
Pero sa bagay, wala namang perpekto. At wala rin akong interes suriin ang pagkatao at kakayahan ng bagong pangulo. Nakakatuwa lang kasi ang speech niya.
Una sa lahat, napabilib niya ako sa paggamit ng Filipino. Hindi ko yata napanood ang inaugural speech ng mga nakaraang pangulo kaya hindi ko maikumpara. Pero sa mga SONA, alam kong madalas ang Ingles. Sino bang kinakausap ng mga Pinunong Pilipino na nag-i-Ingles?
Nabanggit nga ng prof ko sa Socio, mapapansin daw na sa kampanya, lahat ay nagfi-Filipino pero sa mga speech at session sa kongreso at senado, Inglesan na sila ng Inglesan. Nagkakaroon nang malaking dibisyon sa pamagitan ng mga tagapagsalita at nakikinig. Ang mga nakakapag-usap lang ay ang mga nagkakaintindihan.
Bias ako sa Filipino. Pero pangangatwiranan ko ang pagka-bias na ‘to. May sitwasyon na kinakailangang gamitin ang isang partikular na wika. Mahusay na instrumento ang wikang Ingles kung ang pag-uusapan ay ang pakikipag-ugnayan natin sa pandaigdig na komunidad. Isang malaking kalakasan ng maraming Pilipino ang pagiging magaling sa Ingles. Bukod sa malaki ang porsyento ng trabaho sa mga call center at malaki rin ang populasyon ng mga OFWs, nagagamit natin ang Ingles sa pakikipag-usap sa dayuhan. Kapag may international conventions, madali tayong nakaka-agapay. Kapag may foreigner na dumalaw sa Pilipinas, madali nating maituturo ang direksyong kailangan nila (lalo pa’t napakamatulungin natin=).
Marami pang ‘praktikal’ na gamit ang Ingles. Pero mananatiling pangalawa o pangatlo lang ito sa mga wikang magagamit natin sa ‘praktikal’ na pangangailan.
Mas formal daw pag Ingles. Mas intellectual. Mas sophisticated. Wika daw kasi ng mayayaman, may pinag-aralan, may kapangyarihan.
Marahil mababaw ang kaalaman ko sa mga paliwanag na susuporta sa ganitong mga nosyon (dahil bias nga ako). Pero ito kasi ang laganap. At kadalasan, tinatanggap natin ang mga laganap nang di na humahanap pa ng rason. Parang naging common sense na.
Anong meron sa istruktura ng wikang Ingles ang nagpapapormal dito? Tunog? Bokabularyo? Morpolohiya? Bigyan muna natin ng kahulugan ang pagiging pormal. Ang pormal mula sa salitang ugat na porma o anyo ay maaaring ikawing sa mga termino seryoso, sistematiko, maaayos ang anyo o daloy, at mga katulad na termino. Pero gaya ng maraming pang-uri, subhetibo ito. Ang isang lipunan ang nagtatakda kung ano ba ang pormal at hindi pormal. Bakit hindi tinitingnan ng karamihan na pormal ang Filipino? Marahil dahil madalas itong ginagamit sa mga di pormal na usapan. Marahil. Pero duda rin ako. Dahil kung ganito ang dahilan, ang ibig sabihin lang ay hindi nila alam ang wikang Filipino.
Maaari ring dahilan na mas mahirap ang Ingles kaya mas pormal. (ewan ko kung kanino ko to napulot=) Mas mahirap siguro dahil ang batang estudyante na tinatanong ng titser ay nahihiyang magtaas ng kamay dahil natatakot siyang baka pagtawanan ang mali niyang Ingles. Pero kung titingnan ang kalakhan ng mga Pilipino, iilan lang ang makakapagpahayag ng sarili ng diretsong wikang Filipino. Iyon ay kung alam na nga nila ang wikang ito. Ang hirap rin kasi, kakaunti ang mga diksyunaryo, gramatika, at iba pang reference para sa wikang Filipino. Bukod dito, hindi pa matapos-tapos ang mga pagtatalo sa tatanggaping “wikang Filipino.” Iba-iba ang pamantayan kaya nalilito lang ang mga sumusubok matutuhan ang wikang ito.
Sa pagiging wika ng mayayaman, may pinag-aralan, at may kapangyarihan, medyo makakakuha pa tayo ng paliwanag. Dito kasi may grupo ng tao ang nakakaimpluwensya sa imahe ng wikang ginagamit nila. Wika ito ng mga may pinag-aralan dahil ayon sa EO 210, dapat Ingles ang medium of instruction. Bakit? May mga nagsasabing mas madaling ipaliwanag ang scientifc at mathematical terms kapag Ingles ang ginamit. Sasang-ayon ako na hindi ko alam ang Tagalog na inertia, geometry, scientific method, algebra, fraction, at marami pang iba. Pansinin, ginamit ko ang wikang “Tagalog,” dahil sa wikang Filipino, pasok lahat ng mga salitang ito. Maaaring mahihirapang humanap ang ilang Ingles na salita na katumbas ng katutubong wika, pero wikang Filipino ay bukas sa impluwensya ng lahat ng wika. Nararapat lang itong pagyamanin at higit sa lahat gamitin.
Hindi tumatalino ang batang tinuturuan sa Ingles (take note, hindi ko rin sinasabing bumobobo sila). Ang Ingles ay wika. Pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili, damdamin, kaalaman, at iba pa. Pamamaraan o medium. Hindi ito ang mismong laman.
Kung gayon, ano kaya ang mas mainam? Ang isang batang tinuturuan ng one apple plus one apple equals two apples, o ang isa pang batang pinapaliwanagan na ang isang mansanas na dinagdagan ng isa pang mansanas ay magreresulta sa dalawang mansanas. Ano nga kaya? Ewan. Bias ako e.
Ooopz...nasa 3rd page na ko nang maalalang si Noynoy nga pala ang topic ko. Balikan natin ang speech ni Noynoy.
Bukod sa natuwa ako sa wika niya, maganda rin naman ang mga sinasabi niya (kahit pa inaasahan naman talaga ng lahat na dapat maganda talaga ang sabihin niya). Kaugnay mula sa wika, napansin ko lang na hindi siya gaanong nakapag-pa-impress. Ewan ko kung sadya o hindi pero maganda rin ang ganoon. Nauubo siya sa isang bahagi ng pananalita. May parteng nabulol siya. At may mga wrong timing na pasok (Papalakpak pa lang ang mga tao, sinimulan na niya muli ang pagsasalita). Mga bloopers pero nakakatuwa imbes na nakakatawa. Hindi perpekto ang pangulo natin ngayon. Kahit pa langit ang pinapangako niya, sinasabi ng kilos niya na hindi siya anghel, bagkus tao lang. Tao lang rin gaya ng lahat sa atin.
Hindi siya tagapagligtas. Hindi niya magagawang paraiso ang Pilipinas sa loob ng anim na taong panunungkulan (iyon ay kung matatapos nga niya). Duda rin ako sa lahat ng ipinangako niya. Napaka-ideyalistiko. Napakasarap pakinggan. Napakagandang pangarapin.
Sa dami nang kailangan niyang gawin, saan kaya siya magsisimula?
Sa totoo lang, palagay ko nasimulan na niya.
Hindi ko siya binoto noong nakaraang eleksyon pero magtitiwala pa rin ako sa kanya. Iyon ang kailangan ng lahat, magtiwala at makiisa.
Maganda ang speech niya dahil kinausap niya ang mamamayang Pilipino sa wikang lubos nilang naiintindihan. Pinakita niyang hindi siya perpekto pero nangangako siyang gagawin ang lahat. Totoo, pwede pang mangarap. Doon naman nagsisimula. Kung totoong naibalik niya ang pag-asa ng karamihan, magiging masaya akong siya ang nanalo. Ang pag-asa para sa pagbabago ang matagal nang natutulog sa bawat Pilipino. Matagal na tayong sumuko. Matagal na tayong lumalaban para mabuhay na lang at hindi para mabuhay nang mabuti. Nararapat sa mga Pilipino ang buhay na pinakamaginhawa sa sarili nating bansa. Kinakailangan lang nating ipaglaban at pagsumikapan ang nararapat para sa atin.
Tama! Ako man ay ideyalistiko rin. Kaya dapat ko nang gawin ang mga dapat kong gawin=)
Tuesday, June 29, 2010
Saturday, June 19, 2010
Paghanga[d]
Paghanga(d)
(kung bakit walang pormula ang pag-ibig)
Madaling magustuhan ang isang tao sa panahon ng kalakasan niya. Madali tayong napapahanga ng isang artistang umaarte, ng isang singer na kumakanta, ng isang basketball player na naglalaro. Iba ring ang paghanga sa pagkagusto. Marahil kapag sunud-sunod o sabay-sabay na nakita ang isang tao sa kalakasan niya, madali na siyang magustuhan. Ayon nga sa isang nobela ni Paulo Coelho, magkaiba ang infatuation at love. Ang infatuation daw ay ang pagkagusto sa isang tao kasi nakabuo ka na sa isip mo ng ideal na pagkatao ng taong yun. At magiging love lang yun kapag umabot na sa puntong nasira na ang ideal image na nagawa mo sa utak mo, pero kaya mo pa ring mahalin ang taong yun.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung may sapat ba kong kakayahan para makapagsulat tungkol sa pag-ibig. Mas madaling magsulat ng love story kasi kwento naman yun. Kayang kontrolin ang mga tauhan. At ang mahalaga naman sa isang love story ay ang damdamin. Though kailangan din ng logic at common sense, feelings pa rin ang huhusga sa isang magandang love story. Pero kapag isang analysis ang ginawa tungkol sa love, parang ang hirap na. Hindi naman kasi talaga naipapaliwanag yan. Nararamdaman pero hindi naiintindihan.
Pero susubukan ko pa rin. Gusto ko rin malaman kung saan ako tatangayin ng mga halu-halong ideya. Go? Game!
Unahin natin sa limitasyon. Masyadong malawak ang paksa ng ‘pag-ibig’ dahil maraming maaaring patungkulan. Kung tutuusin, isa lang nmn talaga. Nagkakaiba-iba lang kasi iba-iba ang pinaglalaanan at iba-iba ang inaasahang paraan ng pagpapamalas. Piliin natin ang pinaka-nakakakilig at pinakatanggap na maging nakakakilig: ang romantic love. Hindi ako maglilimita sa kasarian o edad. Basta romantic love.
Balikan natin ang intro. Nagsisimula sa paghanga, pagkagusto, saka pagmamahal. Pero hindi ito isang pormula. Dahil wala namang pormula ang pag-ibig. Ayon sa isang chemistry class ko nung undergrad, may love hormones na natitrigger kaya nating nararamdaman ang pag-ibig. May sanhi ang pagkatrigger na ito. Hindi ko layuning ipaliwanag ang scientific explanation sa love (dahil hindi ko rin naman kaya), ang point ko lang, may scientific explanation di umano ito. So may makakapagsabing may pormula. Pero para sa akin, wala.
Dagdagan pa natin ang pagkontra ko sa sarili. Maski ka sa mga akdang pampanitikan, love story pocketbooks, kwento sa tabloid, palabas sa TV at sine, may pormula. Makikilala ng isang tao (kahit anong gender/age) ang isa pang tao; magkakaroon ng pagkakataon para hangaan ng isa ang isa; may conflict kahit papano; maoovercome o hindi ang conflict; happy/tragic ending o hanging ang kwento. Iba-iba ang detalye pero merong simula, gitna, at wakas. May pormula.
Pero para sa akin, wala.
Nagkakaroon ng expectations kapag may formula. Halimbawa, alam natin na kapag may gusto ang lalake sa isang babae, malaki ang tendency na manligaw ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon pero malaking porsyento ang posibilidad. Alam natin na ganon ang simula. May manliligaw. May magsasabi ng ‘I like/love you.’ At kapag may sumagot ng ‘i like/love you, too,’ magtutuluy-tuloy na ang kwento.
Nakakatuwa lang kasi kahit may inaasahan na, parang bago pa rin lahat ng love story. Kahit iba-iba lang ng pangalan ang tauhan, kahit magkakaiba lang ng konti ang detalye, nakakakilig pa rin. Nakakatuwa kasi sa mga kwento, patok pa rin ang mga lines na ilang beses nang nasabi, iniba lang ng konti ang words at ang delivery.
Walang pormula dahil kung meron man, may paliwanag ang mga kakatwang pangyayaring ito. Paulit-ulit pero hindi nakakasawa.
(Napapahinto ako sa pagsusulat. Iniisip ko pa rin kung may sense ba ang pangangahas kong magsulat tungkol dito? Hehe. Pero, in fairness, kailan ba nagka-sense? At bakit kailangan magka-sense?)
At kung may pormula man, e di sana lahat kayang maabot ang happy endings nila.
(Bitter? Haha.)
Noong nakaraang linggo, iniisip ko isang teorya tungkol sa pag-ibig o pakikipagrelasyon.
Paghanga sa simula. Kapag nasundan ang unang pagkakataon ng paghanga at nagpatuloy ang pagdiskubre ng magagandang katangian ni tao1 kay tao2, nabubuo ang pagkagusto. Sa stage ng pagkagusto, mamimili si tao1 kung ipe-pursue nya si tao2. May conflict agad sa sarili. Itutuloy ba nya o hindi? May pag-asa ba siya o wala? May conflict agad kasi hindi lahat handang tumanggap ng rejection. Kahit sa anong bagay naman, masakit ang rejection. Nakakatibag ng kumpyansa sa sarili. Kapag nag-decide si tao1 na i-pursue ang nararamdaman, nagkakaroon naman ng conflict ka y tao2. Gusto ba nya si tao1? Sasagutin ba nya o hindi? Dahil sa panahon ng panliligaw, best foot forward ang nanliligaw, may tendency na makuha rin ni tao2 ang paghanga kay tao1. At dahil gagawa ng paraan si tao1 para lagi silang magkasama ni tao2, malamang na mabuo rin ang pagkagusto ni tao2 kay tao1. Sa stage na to, ideal pa lahat. Ideal ang image ng dalawang tauhan sa isa’t isa.
Pagpasok sa relasyon, doon na nadidiskubre ang real image. Hindi nauubos ang conflict sa sarili ng bawat tauhan. At habang patuloy na nalalagpasan ang mga conflict na ito, lalong lumalakas ang pagmamahal. Kapag sa kabila ng lahat, tanggap pa rin ni tao 1 si tao2 at ni tao2 si tao1, lalong tumitibay ang samahan nila. Syempre, may mga darating na tao3, tao4, at marami pang iba na hahangaan at gugustuhin nina tao1 at tao2. Pero iba pa rin ang level ng pagmamahal.
Ang galing. Ang saya sana. Kaso hindi naman lahat ganyan. Hindi lahat kayang paglabanan ang conflict sa sarili. Dahil bukod sa paghanga, mayroon ding paghahangad.
Bakit kailangang sagutin ni tao2 si tao1? Hindi ba niya pwedeng iparamdam ang pagmamahal nang hindi sinusuklian ni tao2 ang pagmamahal niya? Bakit kailangan may kapalit?
Ideally, ok lang dapat na wala. Dahil, ayon sa sangkaterbang script, ang genuine love ay unconditional. Pero meron din namang mga script na nagsasabing ang relasyon ay dapat two-way; bigayan. So ano ba talaga? Unconditional o reciprocal? Palagay ko pwede naman either of the two. Pero walang love story kung walang relasyon. At walang relasyong one-way. Kasi kahit papano, may paghahangad tayong mahalin rin.
Gaya nang pagkatakot sa rejection, masakit din ang mabalewala (kung hindi man synonimous ang dalawang terms na yun). Bago naisip ang kapakanan ni tao2, kapakanan muna ng sarili ni tao1 ang inisip niya. Gusto niya si tao2. Gusto niya. Niligawan niya, minahal niya, dahil gusto niya. Sinatisfy lang niya ang ‘gusto’ niya. Sarili. Paghahangad para sa sarili.
Ganon din naman si tao2. At mananatili silang ganon habang tumatagal ang kanilang relasyon. Mananatili lang sila sa relasyong iyon hanggang masaya pa sila sa isa’t isa. Hanggang kaya pang sagutin ang paghahangad nila para sa sarili.
Selfish? Hindi naman. Kasi tama rin naman na mahalin ang sarili. At hindi ko rin naman iginigiit na puro sarili lang. Ang sinasabi ko, sa sarili nagsisimula at sa sarili nagpapatuloy ang tunggalian.
Bakit may mga martir? Bakit may mga nagtitiis sa isang relasyon kahit hindi na sila masaya? Bakit may mga handang gawin lahat para sa kapareha?
Ewan. (hehe...suko na agad?!)
Basta alam ko, may iba pang aspekto. Gaya ng ‘nasanay na.’ Minsan, nakakapanlinlang din ang pag-ibig sa pagkasanay. Namimiss natin kasi may mga alaala tayong maganda. Kasi nasanay tayo na nandyan yung taong yun. Kasi nasanay na tayong gustuhin yung taong yun.
Mayroon din namang takot sa panghihinayang. Baka kasi, magbago pa yung sitwasyon. Baka maging prince charming pa si beast. Baka yun na pala ang soulmate at malaking panghihinayang kung pakakawalan. So kapit lang. Kapit hanggang kaya.
Nasaan na ba ko? Pinag-iisipan ko ang tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon pero parang negative yata lahat ng lumabas. Naniniwala rin naman akong may ‘one great love’ na nakalaan sa bawat tao. At hindi ba, maganda namang isipin yun? Hindi ba, maganda naman talagang maghintay ng happy ending? Hindi ba, kahit papano, pwede naman?
Pwede. Malamang pwede. Kasi ang mga love story naman sa nobela, TV, at sine ay naka-angkla din sa tunay na buhay. At meron naman talagang sa kabila ng lahat, hindi nawawala ang pagmahahal.
Ang point ko lang siguro, dahil napakalabo ng terminong ‘pag-ibig’ napaglilinlang ito sa ibang mga bagay. At madalas, nakakasakit na rin. Pero yun rin siguro ang tunay na pag-ibig. Kahit masakit, masaya pa rin. Minsan, nawawala nga mismo ang konsepto ng ‘sakit.’
(Haha. Bumalik din ako sa ideal love)
Pagbabalanse lang. Natural sa tao ang ‘maghangad’ ng mabuti para sa sarili. Pero mayroon namang lumalagpas sa paghahangad na ito. Yung tipong, hindi na lang sarili. Yung tipong dalawa na ang sarili. Si tao1 at tao2 ay nagiging isang tao na lang. At ang hangad ni tao1 ay hangad ni tao2, at vice versa. Siguro yun ang pag-ibig.
Siguro.
Nakakagulat kung paano na naman ako inanod ng mga ideya. Hindi ko rin yan naisip kanina bago magsimula. Kung tutuusin, malabo pa rin sa kin ang kahulugan ng ‘pag-ibig’ kaya hanggang ‘siguro’ lang ang conclusion ko. Pero kahit papano, nakakaaliw din mag-isip ng mga bagay na imposibleng ipaliwanag. Dahil hindi naman talaga dapat ipaliwanag.
Walang pormula ang pag-ibig dahil lagi’t laging trial and error ang pagsolve dito (kung nasosolve man).

Sunday, June 13, 2010
Happy Independence Day
Kadalasan kumikilos lang ang mga tao kapag nagigipit na: gagawa ng project kapag malapit na ang deadline, magrereview ilang minuto bago ang exam, magmamadali kapag malapit ng ma-late. Madalas nagagawa natin ang hindi nating akalaing kaya nating gawin para lang mapagtagumpayan ang ‘kagipitang’ hinaharap: hindi matutulog magdamag para tapusin ang project o para makapareview sa exam, kakayanin ng ilang minuto lang ang byahe para makarating nang hindi late. Nabibilib tayo sa sarili kapag nagagawa nating ‘makalusot.’ Minsan, ang yabang pa natin na kesyo, “hindi na nga ako natutulog,” na parang napakasipag natin. Pero kung tutuusin, may sapat na panahon. Hindi lang tayo kumilos agad kasi hindi pa natin nararamdaman ang ‘pagka-gipit.’
Ganoon din marahil ang sitwasyon natin bilang mga Pilipino. Nitong nakaraang Hunyo 12, araw ng kasarinlan, marami ang bumati ng “Happy Independence Day.” May mga commercial pa sa TV na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng ‘kalayaang’ tinatamasa natin sa kasalukyan. Marami ang magsasabing malaya na tayo ngayon kumpara noon. Marami rin ang magsasabing hindi.
Una sa lahat, iba ang kalayaan sa kasarinlan. Ang kasarinlan ay kakayahang makapagsarili. Magkaroon ng sariling pamahalaan na magpapalakad sa isang bansa. Ang kalayaan ay mas kumplikadong bagay. Maaaring may sarili pamahalaan ang isang bansa pero nakagapos naman sa dikta ng pandaigdigang kalakalan para sa presyo ng mga bilihin, korapsyon sa loob ng gobyerno, at sa maling sistemang hindi na malabanan.
Kaugnay nang pagiging malaya o hindi, naaalala ko ang experiment sa isang palaka. Kapag nilagay ang palaka sa kumukulong tubig, malamang tatalon siya palabas. Pero kapag nilagay ang palaka sa maligamgam na tubig saka pinakuluan, hindi niya agad mararamdaman na unti-unti na siyang pinapatay. Bago pa siya makatalon palabas, nilagang palaka na siya.
Ganon din siguro tayo. Dati, may pisikal na pwersa. Hitsura pa lang ng mga Kastila, Amerikano, Hapon, at Metrocom na dala-dala ang kanilang mga armas, alam na natin na may ‘pang-gigipit.’ Ngayon, ineentertain pa tayo ng mga Koreano at Hapon, pinapamangha ng mga Amerikano, at lantarang binobola ng mga politiko. Walang pisikal na panggipit. Pero gaya ng palaka, nagiging nilagang Pilipino na tayo.
Disclaimer lang. Hindi ako racist. Wala akong sama ng loob sa mga Koreano, Hapon, Amerikano, at mayayaman, (sa mga politiko naman, hindi personal ang sama ng loob ko). Kung tutuusin, naaaliw din ako sa mga naiaambag nila sa kulturang Pilipino. Naging crush ko rin ang isa sa mga F4. Na-adik din ako sa mga anime. At ilang foreign films din ang napabilib talaga ko. Walang masama sa kanila. Hindi naman sila ang problema.
Ang problema, walang kumikilos kasi wala pang deadline.
Hindi ako nagmamarunong. Maski ako, ganito rin naman. Kung hindi pa deadline sa contest, hindi pa ko magsusulat (kaya ayun, laging talo), kung hindi pa deadline ng paper, hindi pa ko magpupuyat. Lahat halos nakaprogramang matapos nang sakto sa deadline. Kung tutuusin, pwede namang matapos nang mas maaga. Kung tutuusin, pwede namang gawin nang walang pressure.
Hindi ko rin alam ang solusyon. Balewala na alam ang problema kung wala namang maimumungkahing solusyon. Masasabihan mo ba ang palaka na tumalon mula sa tubig na pinapakuluan pa lang? (Buti kung magkaintindihan kayo) Sa atin, kahit alam na natin ang problema, wala tayong magawa. Hindi ko alam kung dahil gaya ko, tinatamad din tayo, o dahil hindi lang natin alam ang gagawin. O baka dahil akala natin, wala tayong kakayahan.
Pero kung kaya naman natin, kapag na-pressure na tayo.
So kailangan nating ma-pressure? Ewan. Mahirap din pag may pressure. Do or die na yun. Either ma-meet mo ang deadline o hindi ka makapagpasa. Pero kung sinubukang gawin bago ang deadline, kung magkamali man, pwede pang ulitin. Sayang. Sa dulo natin nararamdaman ang panghihinayang. Pag wala na tayong magagawa.
Pagbabago? Sa isang TV station, may advocacy sila. “Ako ang simula ng pagbabago.” Magandang advocacy. Pero ang weird lang. Kasi sa same station, may noontime show na ginagawang laruan ang mahihirap na kababayan para magmukhang dakila. Ipinapasiwalat ang lahat ng kahirapan at kahihiyan ng sariling kababayan para masabing nakakatulong sila. Bakit? Bakit kailangan pang mamahiya? Bakit kailangan pang paiyakin muna at gawing katatawanan bago abutan ng pera? At bakit aabutan ng pera? Pera na makakapagtawid ng gutom nila sa isang araw pero hinding-hindi makakapagpabuti ng kalagayan nila. Kung tutuusin napasama pa nga. Kapalit ng ilang libo, pinagmukha sila sa tanga sa buong mundo. Ayan ba ang simula ng pagbabago? Sayang ang advocacy. Nawawala ang bisa at sinseridad kung ang kabuuang pinanggalingan ay may bahid ng pagkukunwari. Para sa istasyon lang naman yun e. Dagdag ratings. Dagdag advertisements. Sayang.
Pero siguro lahat naman may bahid ng “personal interest.” Sa panahon ngayon, syempre sarili at sariling pamilya muna bago ang ‘bayan.’ Ang bigat masyado ng salitang ‘bayan.’ Parang para sa mga bayani lang. Masisisi ba natin ang mga isang kahig-isang tuka na unahin muna ang kakainin nila bago ang kung anumang pagbabago na nagpapangako ng mas mabuting buhay? Baka kung sakaling hindi sila magbenta ng boto, o hindi tumanggap ng suhol, o hindi sumunod sa maling sistema, tiyak na makakatulong sila sa pagbabago, pero hindi na nila maabutan pa yun dahil mamamatay sila sa gutom. Wala silang magagawa kundi buhayin ang mga sarili nila. Buhayin ang mga sarili natin. Ganito tayong lahat sa ilalim.
At ang mga nasa ibabaw? Uulitin ko, hindi ako galit sa mga mayayaman. Kasalanan ba nila na matatalino’t magagaling sila? Kasalanan ba ng isang tagapagmana na manahin ang ekta-ektaryang lupain ng angkan nila. Alangan namang ipamigay niya yun sa mahihirap. Paano naman yung mga anak niya at yung mga susunod pa dun. Hindi kasalanan ang pagiging mayaman. Hindi rin kasalanan ang paghahangad ng mabuting buhay para sa mga magiging anak at anak ng anak mo. Ang kasalanan ay ang kawalang kakuntetuhan. Ang pagiging gahaman.
Sabi sa sermon ng isang pari, greed is when you already don’t know what is enough. Napagtalunan na rin namin ng ex ko, ng kapatid ko, at ng tatay ko, ang tungkol sa sistema ng pagpapasahod. Giit nila, “hindi naman pwedeng pantay-pantay ang sahod ng boss at empleyado,” “mas mataas talaga ang sweldo ng gumagamit ng utak kaysa pisikal lang,” “kailangan may gumawa ng mga trabahong mababa at susunod-susunod sila sa boss.” Hindi ako magaling sa debate kaya simula pa lang, nakakalimutan agad ang point ko. (hehe. In short, talo). Tama naman e. Kaso tama pa rin ba na ang pagitan ng sweldo ng isang minimum wage earner sa isang boss ay milyon-milyon? Tama naman na hindi talaga pwedeng pantayin. Tama naman na may mga patakaran ang kumpanya para hindi naman sila malugi. Pero tama ba na ang mga patakarang ito ay sapilitang tatanggapin ng mga empleyado dahil wala naman silang ibang magagawa? Kahit hindi na sapat sa kanila. Kahit luging-lugi na. Kung tutuusin, hindi naman malulugi ang malalaking kumpanya kung itataas nang kaunti ang sweldo ng mga manggagawa. Marami nang pag-aaral dyan. Kung magbibigay ng sapat para makakain ng tatlong beses isang araw ang isang pamilya, makapagpaaral sa pampublikong paaralan ang mga anak, at may matirang pampagamot, hindi pa rin sila malulugi. Mababawasan nga lang ang kita nila. Pero sapat pa rin. Kaya naman e. Iniisip lang nang nasa itaas na malulugi sila kapag nabawasan na ang kita nila. Pero may ‘kita’ pa rin. Ang punto, bakit pa sila magnenegosyo kung hindi rin naman kikita ng malaki? Greed is when you already don’t know what is enough.
3rd page na. Hindi ko rin alam kung saan na ako inanod ng pagdagsa ng ideya at emosyon. Lahat naman ng sinasabi ko dito ay nasabi na nang maraming tao. At malamang alam na rin ng karamihan. Bakit ko pa nga ba inuulit? Nagbabakasakali akong makahanap ng solusyon kapag inilabas ko lahat ng sumusulpot na ideya sa utak ko. Kaso, wala pa rin e. Sa pressure at deadline pa rin babagsak.
Walang magbabago. Walang kikilos dahil wala tayong nararamdamang pressure. Pwede pa bukas dahil malayo pa naman ang deadline.
Napaka-pessimistic. Sabi ng iba, rebolusyon lang daw ang solusyon. Hindi ako naniniwala doon. Naniniwala akong pwede pa. Kung ideolohiya/pananaw ng mga tao umugat ang kawalang kalayaan, doon rin magmumula ang kalayaan. Siguro, kung paulit-ulit din nating ipapamulat ang totoong kalagayan at ang dapat gawin, baka makulitan na rin sila at pumayag.
Ano nga bang dapat gawin? (parang napakalabo ko lang, kanina ko pa sinasabing walang magagawa=) Unti-unti. Kumakapal ang mukha ng ilang mga politiko dahil todo ang mabuting pakikitungo natin sa kanila kahit alam nating lahat ng korap naman. Kapag nakatalikod, saka lang tayo magtsi-tsismis. Ganito ang sistema. Pero sa maliliit na sistemang ito pwede nating simulan. Hindi ko sinasabing wag natin silang irespeto. Igalang natin ang posisyon nila at gawin din natin ang ating trabaho bilang mamamayan. Wag puro reklamong patalikod. Harap-harapan tayong magtanong. Nakakatakot? Kung lahat ay magtatanong at lahat ay alam ang dapat nilang ipagtanong, palagay ko’y ang may itinatago ang matatakot.
Ang problema, hindi lahat ay alam ang dapat nilang ipagtanong. Kulang ang edukasyon. Kaya mas may responsibilidad ang mga nakakaalam na ibahagi ang nalalaman nila. At may pamamaraan din. Marahil hindi ang napakahabang sulating gaya nito. Marahil sa mga pamamaraang hindi parang nanenermon o nagtuturo. Naniniwala akong mas makikinig sila kung nakukuha ang interes nila. Saan? Sa mga palabas sa TV, sa mga tugtuog sa radyo, sa mga babasahing gaya ng pocketbooks, tabloids, at iba pa.
Kung hindi napapansin ng palaka na unti-unti nang kumukulo ang tubig, hindi rin niya mapapansin kung muli nating papalamigin.
Hindi ako nagmamarunong. Maaaring maraming mali sa mga pinagsasabi ko. At bakit nga ba ang nagsusulat ng ganito?
Noong nakaraang Sabado, Independence day nga. At noong binati ako ng Happy Independence day, napaisip ako kung anong kabuluhan ng mga salitang yun. Ang KJ ko naman kung hindi ko tatanggapin ang mga pagbati. At lalong ang ‘bitter’ ko kung magmamarunong ako para itanong ang mga nasa isip ko. Kaya dito na lang. kahit papano, dito masasabi kong malaya ako. At masaya akong maging malaya, kahit dito lang muna.

Subscribe to:
Posts (Atom)